* click the words to navigate *
Dahil sa C.A.T. na yan napilitan akong magponytail. At pagkatapos nun, tama ba namang may mga mag-request na magponytail na lang daw ako. As if makakatanggi ako diba? Ok lang rin naman for a change at aaminin kong mas comfortable naman talaga lalo na't super init. Nakakaaliw lang kasi talagang nirerequest. Hehe.
Ngayong week na 'toh kung anu-ano lang yung pinaggagagawa ko. Panira lang naman ng image yung mga roles na napunta sa'kin. Pero ang saya naman ng feeling na natutuwa yung mga tao kahit kahiya-hiya ako. Hahaha. Nae-enjoy ko rin naman yung mga ganon...Nakakatuwa lang talaga.
Ang saya kasi walang pasok pero may mga practices. Ok lang kasi maayos naman lahat at nakapag gala pa. Kasama na talaga yun eh. Bonding with the classmates, kulitan, asaran...yan yung mga nakakatuwa sa mga ganito. Iba kasi eh. Nakakapagod nga lang pero sulit. Masaya talaga at super enjoy...ü
Nabigla naman talaga ako kanina sa A.P. kasi hindi talaga ako ready sa mga numbers. Naman talaga, todo memorize pa naman ako. Ang hirap kasi nung ganon. Yung ibubuhos mo lahat para sa isang bagay tapos malalaman mo na hindi pala yun yon. Di bale, at least prepared na ako dun sa second part ng quiz. Pag naaalala ko kasi hindi ko mapigilang hindi maganda yung ma-feel. Anyway, looking at the bright side, hindi na ako mahihirapan mag-aral for the 2nd part diba? Iisipin ko na lang nag-advance study ako. Waharhar.
Sa ngayon, talaga namang naa-appreciate ko yung 4th year life. Hay, ang saya kasi wala pang masyadong pressure at kaya pa naman ang mga gawain. Sana lang talaga ganito na hanggang katapusan ng school year. Hindi pa nga ata ako nag-aaral ng todo. Every weekend nga nauubusan ako ng gagawin, nakakapanibago. This is so different. Nakakaaliw lang eh.Hahaha. Wish ko lang talaga hindi maging katulad 'toh nung 3rd year...Kakaiba yun eh. Traumatic...
Bobolly>>anlufet ni charm pagdating sa mga ganyan eh. Mahirap tong i-explain eh but I guess using it in a sentence could help.
Here it goes:
The boy entered the room bobolly that's why he slipped.
May pagka-corny noh pero pwede na....
Raaarrr...>> ang gara nito kasi medyo animalistic.haha. expression lang naman...Raaarrr...
Si Mae kasi eh...andaming ka-cornihang alam. Kantahan ba daw ako ng "I Love You Lei" na originally "I Love You Babe" at ang napaka dakilang "Aray". With hand gestures yun ah. At kahit anong pigil namin, ayaw tumigil. Ewan ko pero honestly, it made me feel so sick. Na-weirdohan nga rin ako sa sarili ko eh...Basta, i still need to find something that will make her stop. Hahaha
Araw ko ngayon. Basta 20th ng month araw ko. Wahaha. Well, itatanggi ko pa bang masaya? Masaya naman talaga. Sobrang na-tensiyon naman ako dun sa Economics. Ang corny nga ng group name namin. "St. Luke Investors". Konti na lang ospital na ang dating. Pero masaya naman talaga. Again, saved by the calculators. Naappreciate ko na naman ang mga calculators! Tapos namaalam na kami sa mga monobloc chairs. Masaya naman. Nakakatuwa yung mga tao. Ayoko nga lang nung mga usapan tungkol sa "Love" chuva. Nakakatuwa kasi lahat siguro nakaka-relate kaya buhay na buhay sila kaya lang hindi ko ma-enjoy. Nakoh gumugulo na naman ang utak ko. Hahaha. Pero ok lang naman at hindi naman ako kumukontra.
Haha wala na kami sa monobloc!!!! I am really overwhelmed. Lalo kong na-feel na araw ko toh!!! Hay, kasiya-siya talaga. Happy!!! Hay talaga namang iba yung feeling kapag nakikita mo na yung matagal mo nang hinihintay. Haaaay…ü pero syempre mamimiss ko rin naman talaga yung monobloc chair ko na kahit papano minahal ko naman...Pero mas ok na yung may desk. Hahaha. Happy!
I am Valerie Anne Dizon Peralta but the people closest to me call me Lei.
I really like it...It's as if I am more myself when called Lei. I was born
on the 2nd day of February 1991. Uhm...This is my very first blog to be seen
by other people. So, care to leave a message on the tagboard just for me to know your
reactions...Ha Haa ;)
[I Love...]
=The PhiniafeliebobberZ=
=Mah family=
=The DaBarkadz "Gala"=
=Texting..Ha Haa=
=San Antonio Spurs!!!=
=Manu Ginobili=
=The number 20=
=I.H.S (Iesus Hominum Salvator);)=
[What I'll Never Do]
=Create a Friendster account=
=Pet a Lizard=
=Involve myself in a romantic relationship=
* Credits *
[ Layout by Peculiar_Purple]
[ Skins @ BLogskins]